Lunes, Enero 14, 2013
Tayo Na sa Pilipinas
Maraming puwedeng gawin sa Pilipinas.Isa na rito ang pag-bisita sa mga magagandang tanawin sa bansa.
Katulad ng " Hagdan Hagdang Palayan ng Banawe" O mas kilala sa tawag na Banaue Rice Terraces.Ito ay gawa ng mga katutubong Ifugao sa Ifugao Province.
Ang Hundred Island , binubuo ito ng daan daang mga pulo na matatagpuan sa Alaminos, Pangasinan. Isang laging dahilan ng mga turista kung bakit nila ito gustong bisitahin dahil sa mga pinung-pino at maputing buhangin nito.
Isa pa dito ang Chocolate Hills na makikita sa Carmen,Bohol. Naging tanyag ito dahil kapag tag-araw,ito ay kulay tsokolate. Kulay luntian naman ito kung tag-ulan.
Hindi mawawala ang Boracay. Matatagpuan ito sa Aklan. Pinung-pino at maputi ang buhangin nito.Dinarayo ito ng mga turista tuwing tag-araw dahil sa presko ang tubig dito,at dahil na rin sa nagkalat na mga Beach Resort sa paligid nito.
Napakadami pang magagandang tanawin dito sa Pilipinas ang hindi ko pa nababanggit na talagang napaganda.Mangyari lamang na subaybayan pa ang aking mga susunod na Blog upang kayo ay mas lalong malinawan at maengganyo na bumisita dito sa Pilipinas.
Salamat.
- Ashley C. Tayag,mag-aaral ng Batasan Hills National High School.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sana kayo ay mas lalo pang maengganyo na bumisita sa ipinagmamalaki naming Pilipinas.
TumugonBurahin