Martes, Enero 15, 2013

Larong Pinoy


                         Ito ay ang mga sikat na laro ng mga Pilipino na mahahasa ang iyong bilis,tatag at ang pag-iisip upang manalo.


Patintero.Isang laro na may dalawang grupo na magkalaban. Ang isang grupo ang manghaharang sa isa pang grupo upang hindi ito makatawid sa gagawin nilang malaking  parisukat na may hati sa gitna. Kailangan tumawid ng dalawang beses ang kahit isa sa kabilang grupo upang manalo. Mananatili na ganoon ang kanilang gagawin hangga't hindi natataya ng grupong manghaharang ang kabilang grupo.










Luksong Baka.Isang laro na mahahasa ang tibay ng iyong mga braso.Kailangan mong tumalon sa taya ng hindi nadidikitan ang taya.














Tumbang Preso. Kailangan lamang ng isang lata at mga manlalaro na may tig-iisang hawak na tsinelas.
Kailangan  na mapatumba ang lata na binabantayan ng taya.








Naranasan mo na ba ito laruin? Kung hindi pa,gawin mo na ! Siguradong mageenjoy ka at hindi mababagot. Dagdag pa ang kasiyahang mararanasan at mga bagong kaibigan na makikilala.


~ Ashley C. Tayag,mag-aaral ng Batasan,7-Star

Pagkaing Pinoy



                       Ito ay ang mga sikat na mga Pagkain ng Pinoy na dito nagsimula sa Pilipinas.Siguradong magugustahan mo ito. Dahil ito ay lutong Pinoy !!







Ang larawan na nasa kaliwa ay ang isa sa mga sikat na street foods na nabibili sa tabi-tabi ay ang 'Isaw'. Gawa sa bitukaw ng manok o baboy. Karaniwan itong binibenta kapag mga hapon na at paggabi na.














Ito ay isang Kwek-Kwek. Ito ay gawa sa itlog ng manok,o itlog ng pugo na binalutan kulay Orange na butter. Madalas ito isaw-saw sa maanghang na suka .




Sinigang.Isa sa mga pinakamasarap na pagkain ng Pinoy na may sabaw. Sa katunayan,ito ay aking paboritong kainin.Lalo na ang Sinigang na Baboy. Orihinal na luto nito ay meron itong sahog na sampalok .







Natikman mo na ba ang mga ito? Marami pang iba ang masasarap na pagkain na dito lamang makikita. Kaya sana bumisita kayo dito sa Pilipinas at tikman ang lutong Pinoy :)

~Ashley C. Tayag,mag-aaral ng Batasan,7-Star

Lunes, Enero 14, 2013

Tayo Na sa Pilipinas


 Maraming puwedeng gawin sa Pilipinas.Isa na rito ang pag-bisita sa mga magagandang tanawin sa bansa.





Katulad ng " Hagdan Hagdang Palayan ng Banawe" O mas kilala sa tawag na Banaue Rice Terraces.Ito ay gawa ng mga katutubong Ifugao sa Ifugao Province.











Ang Hundred Island , binubuo ito ng daan daang mga pulo na matatagpuan sa Alaminos, Pangasinan. Isang laging dahilan ng mga turista kung bakit nila ito gustong bisitahin dahil sa mga pinung-pino at maputing buhangin nito.









 Isa pa dito ang   Chocolate Hills na makikita sa Carmen,Bohol. Naging tanyag ito dahil  kapag tag-araw,ito ay kulay tsokolate. Kulay luntian naman ito kung tag-ulan.
Hindi mawawala ang Boracay. Matatagpuan ito sa Aklan. Pinung-pino at maputi ang buhangin nito.Dinarayo ito ng mga turista tuwing tag-araw dahil sa presko ang tubig dito,at dahil na rin sa nagkalat na mga Beach Resort sa paligid nito.


Napakadami pang magagandang tanawin dito sa Pilipinas ang hindi ko pa nababanggit na talagang napaganda.Mangyari lamang na subaybayan pa ang aking mga susunod na Blog upang kayo ay mas lalong malinawan at maengganyo na bumisita dito sa Pilipinas.
Salamat.

- Ashley C. Tayag,mag-aaral ng Batasan Hills National High School.